Ang Pamahalaan ay nagbigay ng pahintulot sa mga dayuhang kasambahay ( FDHs) na makapagtrabaho sa Hong Kong simula pa noong 1970s upang tugunan ang kakulangan sa lokal na mga kasambahay na naninilbihan at nakatira sa tahanan na hindi orasan. Ang kaayusan ay naaayon sa pundamental na prinsipyo ng patakaran sa paggawa ng Pamahalaaan na ang mga lokal na manggagawa ay may prayoridad sa pag-empleyo. Makakakuha lamang ang mga amo ng mga trabahador na galing sa ibang bansa kung hindi sila makahanap ng angkop na lokal na mga manggagawa sa Hong Kong.
Ang Pamahalaan ay itinakda ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo (SEC) upang protektahan ang mga interes ng mga FDHs at ang kanilang mga amo. Ang SEC (porm ID 407) para sa aplikasyon ng bisa para sa mga FDHs ay makukuha sa Seksyon ng Impormasyon at Pakikipag-ugnayan ng Kagawaran ng Imigrasyon sa 2nd Floor, Immigration Tower, 7 Gloucester Road, Wan Chai, Hong Kong.
Upang magbigay ng madaling sanggunian sa mga karapatan at katungkulan ng mga amo at FDH, ang Kagawaran ng Paggawa ay nag-isyu ng isang "Praktikong Gabay Para sa Pagtratrabaho ng mga Kasambahay – Ano ang Kailangang malaman ng mga Dayuhang Kasambahay at nang Kanilang mga Amo", na sumasaklaw sa mga sagot sa ilang mga karaniwang katanugan ng mga FDHs at kanilang mga amo. Mangyaring tignan ang seksyon na “Mga Materyal sa Pamamahayag at Kaugnay na Lathalain” para sa karagdagan materyal na nauugnay sa karapatan at obligasyon ng FDHs at mga amo sa ilalim ng batas ng paggawa at SEC.
Karagdagan sa proteksyon na iniaalok ng mga batas ng paggawa, ang mga FDHs ay nagtatamasa ng karagdagang proteksyon, tulad ng libreng tirahan, libreng pagkain, at medikal na pangangalaga na sinasagot ng mga amo, na itinakda sa SEC. Ang mga FDHs at kanilang amo ay makakagamit ng libreng serbisyo sa konsultasyon at pakikipagkasundo na inilalaan ng Kagawaran ng Paggawa (pumindot dito para sa mga lugar at mga detalye sa pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng dibisyon ng relasyon sa paggawa ng Kagawaran ng Paggawa) kung meron alitan. Kung walang kasunduan na magaganap sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, ang mga kaso ay isasangguni sa Hukuman ng Paggawa o sa Lupon ng Paghatol sa mga Maliliit na Paghahabol sa Empleyo para sa paghatol.
Upang protektahan ang mga amo pati ang mga oportunidad sa trabaho ng mga lokal na manggagawa, ang mga FDHs ay hindi pinahihintulutang kumuha ng anumang ibang empleyo kasama ang trabahong orasan, o magtrabaho sa ibang lugar maliban sa tirahan ng kanilang amo na nakasaad sa nilagdaang kontrata.
Para sa mga karaniwang katanugan hinggil sa mga karapatan na nasa kontrata at batas ng mga FDHs, mangyaring pumindot dito.
Kaugnay na link: Pagkuha ng mga Dayuhang Kasambahay
Ang MAW ay ang proteksyon sa sahod na iniaalok sa mga FDHs. Dapat bayaran ng mga amo ang mga FDHs ng suweldo na hindi bababa sa namamayaning MAW sa oras ng paglagda ng kontrata. Pinangangalagaan nito ang mga FDHs laban sa pagsasamantala sa isang banda, at pinoprotektahan ang mga lokal na manggagawa mula sa murang kakumpetensiya sa labas ng bansa sa kabilang banda. Rerepasuhin ang MAW sa tuwi-tuwina ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong, na may pagsaalang-alang sa pangkalahatang sitwasyong pang-ekonomiko at empleyo sa Hong Kong.
Ang namamayaning MAW para sa mga FDHs ay $4,870 kada buwan, na mailalapat sa mga kontrata ng empleyo na nilagdaan noong o pagkatapos ng ika-Setyembre 30, 2023. Ang nakaraang MAW ay $4,730, na naaangkop sa mga kontratang nilagdaan sa pagitan ng Oktubre 1, 2022 hanggang Setyembre 29, 2023.