FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS
Para sa mga Tagapag-empleyo at mga Dayuhang Kasambahay (FDHs)

Hindi. Ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo (ID 407) ay ang tanging opisyal na kontrata ng empleyo para sa lahat ng mga FDHs sa Hong Kong. Ang Anumang ibang kontrata ng empleyo na napirmahan sa pagitan ng tagapag-empleyo at ng FDH ay hindi maipapatupad sa Hong Kong. Ang bawat Pamantayang Kontrata ng Empleyo ay may bisa sa loob ng dalawang taon.

May bisa mula ika-30 ng Setyembre 2023, ang MAW para sa mga FDHs ay $4,870 bawat buwan, na naaangkop sa mga kontrata ng empleyo na nilagdaan noong o pagkatapos ng ika-30 ng Setyembre 2023. Ang lahat ng mga FDHs ay dapat bayaran sa isang halaga ng sahod na itinakda sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo. Ang isang tagapag-empleyo ay hindi dapat magpataw ng isang mas mababang antas ng sahod dahil sa kanyang sariling pagpasya o isang pribadong kasunduan sa kanyang FDH. Ang kakulangan sa pagbabayad ng FDH o paggawa ng maling representasyon sa sahod ng isang FDH ay mananagot sa pag-uusig at pagkakulong.

Hindi. Ayon sa Sugnay 3 ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo, ang FDH ay dapat magtrabaho at manirahan sa tirahan ng tagapag-empleyo na tinukoy sa kontrata. Ang mga tagapag-empleyo ay dapat magbigay sa mga FDHs ng angkop na tirahan at may makatwirang pagkapribado. Ang mga halimbawa ng hindi angkop na tirahan ay: Ang FDH ay kailangang matulog sa isang gawang higaan sa pasilyo na may kaunting pagkapribado o nakikibahagi sa isang silid kasama ang isang matanda/tin-adyer ng magkaibang kasarian.

Ayon sa Sugnay 6 ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo, ang mga FDHs ay may karapatan sa sumusunod na mga bakasyon na nakasaad sa Ordinansa ng Empleyo:

Bukod dito, ang Sugnay 13 ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo ay nagsasabing na kung ang FDH at ang kanyang tagapag-empleyo ay sumang-ayon na baguhin ang kontrata, ang FDH ay dapat, bago magsimula ang bagong kontrata, ay bumalik sa kanyang tahanangbansa sa gastos ng tagapag-empleyo para sa isang may-bayad/walang-bayad na bakasyon na hindi bababa sa 7 araw (maliban kung ang paunang pag-apruba para sa ekstensyon ng pananatili sa Hong Kong ay ibinigay ng Direktor ng Imigrasyon).

Dapat itago ng mga tagapag-empleyo nang maayos ang mga talaan ng pagbabakasyon at pagbabayad ng kanilang FDH upang maiwasan ang mga alitan sa hinaharap.

Ang isang babaeng FDH ay karapat-dapat sa isang tuluy-tuloy na 14 na linggong panahon na may-bayad na Pagliban sa Pagdadalang Tao kung siya ay:

  • ay nagtrabaho nang hindi bababa sa 40 linggo kaagad bago ang pagsisimula ng nakatakdang Pagliban sa Pagdadalang Tao;
  • nagbigay ng abiso ng pagbubuntis at ang kanyang kagustuhan na kumuha ng Pagliban sa Pagdadalang Tao sa kanyang tagapag-empleyo pagkatapos makumpirma ang pagbubuntis, halimbawa, pagpakita sa tagapag-empleyo ng isang sertipikong medikal na nagkukumpirma ng kanyang pagbubuntis; at
  • ay nagpakita ng isang sertipikong medikal na tumutukoy sa inaasahang petsa ng panganganak kung kinakailangan ng tagapag-empleyo.

Ang pangaraw-araw na halaga ng bayad sa Pagliban sa Pagdadalang Tao ay isang kabuuan na katumbas ng walumpong porsyento ng karaniwang pangaraw-araw na sahod ng FDH. i-klick dito upang malaman ng higit pa ang tungkol sa Pagliban sa Pagdadalang Tao.

Ang isang tagapag-empleyo, pagkatapos mabayaran ang lahat ng kabayaran sa Pagliban sa Pagdadalang Tao sa karaniwang araw ng pag-suweldo, ay maaaring mag-aplay sa Gobyerno para sa pagsasauli ng nagugol sa ika-11 hanggang ika-14 na linggong kabayaran sa Pagliban sa Pagdadalang Tao na babayaran o binayaran sa ilalim ng Ordinansa ng Empleyo. Para sa mga detalye, pakibisita ang webpage ng Ang panukala para sa pagsasauli ng nagastos sa pagbayad sa Pagliban sa Pagdadalang Tao.

Ang isang tagapag-empleyo ay maaaring gumawa ng mga pagbabawas para sa pinsala sa o pagkawala ng mga kalakal, kagamitan o ari-arian ng tagapag-empleyo sa pamamagitan ng pagpapabaya o kakulangan ng FDH. Sa anumang kaso, ang halagang ibabawas ay katumbas ng halaga ng pinsala o pagkawala ngunit hindi hihigit sa HK$300. Ang kabuuan ng naturang mga kaltas ay hindi dapat lumampas sa bente-singkong porsyento ng sahod na babayaran sa FDH sa kapanahunan ng sahod.

Kapag ang isang FDH ay nagtamo ng pinsala o namatay bilang resulta ng isang aksidente na nagmula sa at sa panahon ng kanyang trabaho, ang kanyang tagapag-empleyo sa pangkalahatan ay mananagot na magbayad ng kabayaran sa ilalim ng Ordinansa ng Bayad-pinsala para sa mga empleyado. Dapat abisuhan ng nasugatan na FDH ang tagapag-empleyo tungkol sa aksidente sa lalong madaling panahon, habang dapat ipaalam ng tagapag-empleyo sa Komisyoner ng Paggawa ang anumang aksidente sa trabaho sa loob ng 14 na araw (7 araw para sa mga nakamatay na kaso) pagkatapos ng aksidente. Ang isang FDH na dumaranas ng kawalan ng kakayahan na nagmumula sa isang sakit sa trabaho na tinukoy sa Ordinansa ng Bayad-Pinsala para sa mga empleyado ay may karapatan sa katulad na kabayaran at proteksyon.

Ang isang tagapag-empleyo ay mananagot na magbayad sa kanyang FDH para sa mga pinsalang natamo habang nagtatrabaho. i-klick dito upang malaman ng higit ang tungkol sa pinsala sa trabaho.

Ayon sa Sugnay 10 ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo, ang isang tagapag-empleyo at ang kanyang FDH ay maaaring wakasan ang kanilang kontrata bago ito mawalang-bisa sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang buwang paunawa nang nakasulat o sa pamamagitan ng pagbabayad ng isang buwang sahod bilang kapalit ng paunawa sa kabilang partido.

Ang tagapag-empleyo at ang FDH ay parehong may pangangailangan magbibigay sa Direktor ng Imigrasyon sa loob ng pitong araw mula sa petsa ng pagwakas ng kontrata, kasama ang isang kopya ng nakasulat na pagtanggap sa pagwakas ng kontrata ng kabilang panig. Maaari nilang piliin kumpletuhin itong porm ng Kagawaran ng Imigrasyon“Abiso sa Pagwakas ng Kontrata ng Empleyo sa Dayuhang Kasambahay” (ID 407E).

Dapat bayaran ng tagapag-empleyo ang lahat ng natitirang sahod at iba pang bayarin sa FDH, mas mabuti kung ang pagbabayad ay sa pamamagitan ng pagbangko, at kumuha ng resibo para sa lahat ng mga pagbabayad. Ang isang tagapag-empleyo na hindi nagbayad ng mga benepisyo na itinakda ng batas at iba pang mga bayarin sa FDH alinsunod sa Ordinansa ng Empleyo at ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo ay magkakasala.

Nakasaad din sa Ordinansa ng Empleyo ang mga espesyal na pangyayari kung saan maaaring wakasan ang kontrata nang walang abiso o pagbabayad kapalit ng abiso, gayundin ang mga pangyayari kung saan hindi pinapayagan ang pagtanggal sa trabaho. Mangyaring sumangguni sa Q9 at Q10.

Ang isang tagapag-empleyo ay maaaring biglaang paalisin ang kanyang FDH nang walang abiso o pagbabayad sa katumbas ng abiso kapag ang FDH, na may kaugnayan sa kanyang trabaho ay:

  1. sadyang suwayin ang isang naaalinsunod sa batas at makatwirang kautusan;
  2. magpakita ng maling pag-uugali;
  3. may kasalanan sa pandaraya o hindi matapat; o
  4. nakagawiang magpabaya sa kanyang mga tungkulin.

Ang biglaang pagpapaalis ay isang seryosong aksyong disiplina. Ito ay nararapat lamang sa mga kaso kung saan ang isang FDH ay nakagawa ng napakalubhang maling pag-uugali o nabigo upang mapabuti ang kanyang sarili pagkatapos ng paulit-ulit na mga babala.

Maaaring wakasan ng FDH ang kanyang Pamantayang Kontrata ng Empleyo nang walang abiso o pagbabayad kapalit ng abiso kung siya ay:

  1. makatuwirang natatakot sa pisikal na panganib dahil sa karahasan o sakit;
  2. dumaranas ng masamang pagtrato sa tagapag-empleyo; o
  3. hindi kukulangin sa limang taon sa naglilingkod sa kanyang tagapag-empleyo at sertipikado ng isang rehistradong medikal na manggagamot o ng isang rehistradong manggagamot sa Medisinang Tsino na permanenteng hindi akma sa uri ng trabahong kanyang ginagawa.

Ang pagwawakas ng empleyo nang walang abiso at pagbabayad kapalit ng abiso ay dapat isaalang-alang lamang sa ilalim ng napakaespesyal na mga pangyayari at bigyang katwiran na may sapat na katibayan. Kung hindi, maaaring maghabol ang kabilang partido.

Ang tagapag-empleyo ay hindi dapat magpaalis ng kanyang FDH sa ilalim ng mga sumusunod na pangyayari/ sa mga sumusunod na dahilan:

  • Ang FDH ay nakumpirmang Nagdadalang Tao at nagbigay ng isang abiso sa pagbubuntis sa kanyang tagapag-empleyo;
  • Ang FDH ay nasa may-bayad na pagliban sa pagkakasakit,
  • Pagkatanggal sa trabaho sa pamamagitan ng dahilan ng kanyang pagbibigay ng katibayan o impormasyon sa anumang mga paglilitis o pagtatanong kaugnay ng pagpapatupad ng Ordinansa ng Empleyo o mga aksidente sa trabaho;
  • Pagpapaalis dahil sa pagiging-miyembro o aktibidad ng unyon; o
  • Pagpapaalis ng isang nasugatang FDH bago pumasok sa isang kasunduan sa kanya para sa Bayad-pinsala para sa mga empleyado o bago ang pag-isyu ng isang sertipiko ng pagtatasa.

Ang isang tagapag-empleyo na nagpaalis sa isang FDH sa ilalim ng mga sitwasyong nabanggit ay mananagot sa pag-uusig at, sa paghatol, sa pinakamataas na multa ng $100,000.

Ang mga FDHs ay nagtatamasa ng proteksyon sa ilalim ng Ordinansa ng Empleyo tulad ng mga lokal na empleyado. Sila ay higit pang nararapat sa mga karapatan at benepisyo na tinukoy sa kanilang Pamantayang Kontrata ng Empleyo.

Ang isang tagapag-empleyo na nagnanais na wakasan ang kontrata ng empleyo ay kinakailangang magbigay sa FDH ng isang buwang paunang abiso nang nakasulat o isang buwang sahod bilang kapalit ng paunawa pati na rin ang iba pang mga pagbabayad sa pagwawakas, na kadalasang kinabibilangan ng:

  • mga hindi pa nababayaran sahod;
  • pagbabayad bilang kapalit ng anumang hindi nakuhang taunang bakasyon, at anumang bakasyon na hindi pa nagagamit para sa kasalukuyang taon (mangyaring sumangguni sa Q12 para sa mga detalye);
  • kabayaran sa paninilbihan na mahabang panahon o kabayaran sa paghihiwalay (kung naaangkop, mangyaring sumangguni sa Q13 at Q14 para sa mga detalye); at
  • anumang iba pang halaga na dapat bayaran sa FDH kaugnay ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo halimbawa libreng pamasahe pagbabalik sa tahanangbansa, pagkain at alawans sa paglalakbay, at iba pa.

Ang Kagawaran ng Paggawa ay gumawa ng isang sampol na resibo para sa mga tagapag-empleyo upang ma-tsek ang natitirang halaga ng pagbabayad sa pagtatapos ng kontrata. Maaaring gamitin ng mga FDHs at mga tagapag-empleyo ang pang-reperensyang kalkulator para sa mga karapatan sa empleyo na ayon sa batas upang kalkulahin ang mga nauugnay na karapatan na ayon sa batas.

Ang isang FDH ay may karapatan sa may-bayad na taunang bakasyon pagkatapos maglingkod sa bawat panahon na 12 buwan sa parehong tagapag-empleyo. Ang karapatan ng FDH sa may-bayad na taunang bakasyon ay tataas ng progresibong mula 7 araw hanggang 14 na araw ayon sa tagal ng kanyang serbisyo.

Kapag natapos na ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo, dapat ibigay ng tagapag-empleyo ang bayad sa FDH bilang kapalit ng anumang taunang bakasyon na hindi pa nagagamit bilang kapalit sa bawat 12 buwang natapos na serbisyo. Ang isang FDH na may 3 ngunit mas mababa sa 12 buwang serbisyo sa isang taon (halimbawa, isang kapanahunan ng bawat 12 buwan pagkatapos ng pagsisimula ng empleyo) ay may karapatan sa proporsyonal na halaga na may-bayad na taunang bakasyon. iklick dito para sa detalye ng may-bayad na taunang bakasyon.

Ang isang tagapag-empleyo ay dapat magbayad ng kabayaran sa paghihiwalay sa kanyang FDH kung ang FDH ay patuloy na nagtatrabaho nang hindi bababa sa 24 na buwan at napaalis, o ang kanyang kontrata ay hindi na binago* sa kadahilanan ang kasalukuyan pwesto ay hindi na kinakailangan.

Ang isang tagapag-empleyo ay dapat magbayad sa paninilbihan ng mahabang panahon sa kanyang FDH kung ang FDH ay patuloy na nagtatrabaho nang hindi bababa sa 5 taon at napaalis, o ang kanyang kontrata ay hindi na binago* sa kadahilanang maliban sa malubhang maling pag-uugali ng FDH o ang kasalukuyan pwesto ay hindi na kinakailangan.

*Kung ang tagapag-empleyo ay, hindi bababa sa 7 araw bago ang petsa ng pagtanggal/pagwalang-bisa ng kontrata, ay nag-alok sa kasulatan upang baguhin ang kontrata ng empleyo o muling makipag-ugnayan sa kanya sa ilalim ng isang bagong kontrata, ngunit hindi makatwirang tinanggihan ng FDH ang alok, ang FDH ay hindi karapat-dapat para sa kabayaran sa paghihiwalay o paninilbihan ng mahabang panahon.

Ang isang FDH ay hindi magkakasabay na karapat-dapat sa parehong kabayaran sa paninilbihan ng mahabang panahon at kabayaran sa paghihiwalay. iklick dito para sa mga detalye ng kabayaran sa paghihiwalay o kabayaran sa paninilbihan ng mahabang panahon.

Ang kabayaran sa paghihiwalay at kabayaran paninilbihan ng mahabang panahon ay kinakalkula tulad ng sumusunod:

(buwanang sahod x 2/3 ) x mabibilang na taon ng mga serbisyo*

* Ang serbisyo ng isang hindi kumpletong taon ay dapat kalkulahin sa basehang proporsyonal na halaga.

Ang Sangay ng Ugnayan sa Paggawa ng Kagawaran ng Paggawa ay nagbibigay ng serbisyo sa konsultasyon upang tulungan ang mga tagapag-empleyo at mga FDH sa pag-unawa sa iba't ibang karapatan sa empleyo. Nagbibigay din ang tanggapan ng libreng serbisyo sa pakikipagkasundo upang malutas ang mga paghahabol sa ilalim ng Ordinansa ng Empleyo o ang Kontrata ng empleyo. Kapag walang kasunduan na maabot, ang Kagawaran ng Paggawa ay, sa kahilingan ng kinauukulang partido at depende sa halaga na hinahabol, ay isasangguni ang kaso sa Lupon ng Paghatol sa Menor na mga Paghahabol sa empleyo o sa Hukuman ng Paggawa para sa paghatol.

Ang impormasyon sa Ordinansa ng Empleyo ay maaari ding makuha sa pamamagitan ng website ng Kagawaran ng Paggawa (https://www.labour.gov.hk/eng/faq/content.htm) at mga numerong (2717 1771/ 2157 9537).

Ang Kagawaran ng Paggawa ay gumawa ng portal para sa mga Ahensyang Pang-empleyo (EA Portal)(www.eaa.labour.gov.hk) para matulungan ang mga naghahanap ng trabaho (kabilang ang mga FDH) at mga tagapag-empleyo na madaling ma-akses ang impormasyon na may kaugnayan sa regulasyon ng mga ahensyang pang-empleyo. Ang Portal ay pinapayagan ang publiko na suriin kung ang ahensyang pang-empleyo ay may balidong lisensya o wala. Upang mapahusay ang kalinawan ng mga nakaraang kakayahan ng ahensyang pang-empleyo at matulungan ang mga naghahanap ng trabaho at mga tagapag-empleyo sa paggawa ng mga desisyong may kaalaman kapag nakikibahagi sa mga ahensyang pang-empleyo, ang Kagawaran ng Paggawa ay naglalathala ng EA Portal para sa mga ahensyang pang-empleyo ng isang sistematikong paraan ng mga talaan ng pagkasala sa pagsingil ng lubos at hindi lisensyadong operasyon, pagbawi/pagtanggi sa pagpanibago ng lisensya at nakasulat na mga babala na inisyu sa mga ahensyang pang-empleyo. Bukod pa, ang mga online na porm ay makikita sa parehong Portal ng FDH at Portal ng EA upang matulungan ang mga tagapag-empleyo at FDH na magtanong at maghain ng mga reklamo tungkol sa mga usapin pang-empleyo at mga ahensyang pang-empleyo.

Para sa mga Dayuhang Kasambahay (FDHs)

Ang isang FDH ay maaaring italaga upang magsagawa ng iba't ibang uri ng mga tungkulin sa tahanan, kabilang ang pagluluto, paglilinis, pag-aalaga ng mga bata at matatanda, at iba pa. Bagama't ang mga tungkulin sa bahay ay maaaring mukhang madali, may mga potensyal na panganib sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho tulad ng mga karamdaman sa buto at laman dahil sa hindi tamang pustura o paulit-ulit na paggalaw; mga aksidente sa pagkakuryente na dulot ng hindi angkop na paggamit ng mga de-koryenteng kagamitan; mga hiwa, paso, o pagkasunog ng balat kapag nagtatrabaho sa kusina, at iba pa. Para sa higit pang mga payo, mangyaring sumangguni sa “Maging Handa para sa Trabaho sa Hong Kong - Isang Libro para sa mga Dayuhang Kasambahay” na inilathala ng Kagawaran ng Paggawa.

Ang mga bangko, ahente ng remitans at elektronikong walet ay ang pinakakaraniwang ginagamit na paraan ng remitans ng mga FDH. Maaari kang maghambing ng iba't ibang serbisyo sa pagpapadala at pumili ng isa na pinakaangkop sa iyong mga pangangailangan, ngunit mahalagang makipag-ugnayan sa isang ahente na may wastong lisensya. Maaari mong beripikahin ito sa pagsuri sa Rehistro ng mga lisensyadong kompanya para sa mga ahente ng remitans sa website ng Kagawaran ng Adwana at Buwis.

Ikaw ay ganap na protektado sa ilalim ng batas bilang isang residente ng Hong Kong, kasama ang proteksyon sa pisikal na pang-aabuso at sekswal na pag-atak, gaya ng karaniwang pag-atake, panggagahasa at malaswang pag-atake. Kung sakaling may emerhensya o pang-aabuso, dapat mong iulat kaagad sa Kapulisya sa pamamagitan ng pagtawag sa 999 o pagbisita sa malapit istasyon ng pulisya para sa tulong.

Kapag ang halaga na ibinayad sayo ay mas mababa sa sahod na itinakda sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo, dapat mong suriin sa iyong tagapag-empleyo upang makita kung mayroong anumang pagkakamali sa pagkalkula. Huwag kailanman lumagda sa pagtanggap ng sahod na hindi ka binabayaran. Kapag walang makatwirang paliwanag ang iyong tagapag-empleyo para sa kulang na ibinayad sayo, dapat kang humingi kaagad ng tulong sa Sangay na tanggapan ng Ugnayan sa Paggawa ng Kagawaran ng Paggawa.

Ayon sa Sugnay 5(b) ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo, bibigyan ka ng iyong tagapag-empleyo ng pagkain nang walang bayad. Kung walang ibinigay na pagkain, kailangan ka bayaran ng iyong tagapag-empleyo ng alawans sa pagkain na nakasaad sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo.

Hindi tinukoy ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo ang uri at dami ng pagkain na ibibigay. Kung hindi ka binibigyan ng sapat o angkop na pagkain, dapat mong iugnay ang iyong pangangailangan sa pagkain sa iyong tagapag-empleyo. Hinihikayat namin ang mga FDHs at mga tagapag-empleyo na magkaroon ng tapat na talakayan upang ang magkabilang panig ay makabuo ng isang napagkasunduang pagsasaayos ng pagkain.

Ang Nagdadalang Tao na FDH ay dapat dumalo sa palagian na tsek-up para sa pagbubuntis upang matiyak ang kalusugan niya at ng kanyang sanggol. Mangyaring sumangguni sa mga sumusunod na kawing para sa impormasyon sa serbisyong ibinibigay tungkol sa tsek-up para sa pagbubuntis ng Sentro sa Pangangalaga ng Nagdadalang Tao at Sanggol ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Awtoridad ng Ospital:

If you would like to return to your place of origin to give birth and take maternity leave, you may make a request to your employer so that both parties can discuss and agree on the arrangements.

Kung nais mong bumalik sa iyong tahanangbansa upang manganak at kumuha ng pagliban sa Pagdadalang Tao, maaari kang humiling sa iyong tagapag-empleyo na talakayin at magkasundo ang magkabilang panig sa nauugnay na kaayusan. Kung ito ay isang hindi planadong pagbubuntis, maaari kang kumuha ng konsultasyon at serbisyong pagpapayo mula sa Pinagsama-samang serbisyong Pang-pamilya ng Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan (Tel: 2343 2255) o Asosasyon ng Pagpaplano ng Pamilya sa Hong Kong (Tel: 2572 2222).

Ang Ordinansa ng Empleyo Employment ay nagbabawal sa isang tagapag-empleyo na magtalaga ng mabibigat, mapanganib o nakakapinsala sa Nagdadalang Tao na empleyado. Kapag ang isang Nagdadalang Tao na FDH ay nagpakita ng isang sertipikong medikal sa kanyang tagapag-empleyo na nagsasabing siya ay hindi angkop na magsagawa ng ilang mga tungkulin dahil sa kanyang pagbubuntis, ang tagapag-empleyo ay dapat e-adyas ng kanyang saklaw ng trabaho alinsunod sa payo ng dalubhasa.

Bukod pa, kapag magtatalaga sa isang FDH na maglinis ng mga bintana, ang tagapag-empleyo ay dapat sumunod sa sugnay na nakasaad sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo upang pangalagaan ang kaligtasan sa trabaho ng kanyang FDH. Ang sugnay ay nagsasabi na, kapag ang isang FDH ay kinakailangan ng kanyang tagapag-empleyo na maglinis ng anumang panlabas na bintana na hindi matatagpuan sa palapag na kasing lebel ng lupa o katabi ng isang balkonahe (kung saan ito ay makatwirang ligtas para magtrabaho ang FDH) o pangkaraniwang pasilyo, ang paglilinis ay dapat lamang gawin sa mga sumusunod na mga kondisyon:

  • ang bintana na nililinis ay nilagyan ng isang rehas na nakakandado o ligtas sa isang paraan para mabuksan ang rehas; at
  • walang bahagi ng katawan ay umaabot sa lampas ng pasimano ng bintana maliban sa mga braso.

Kapag kumuha ka ng serbisyo mula sa ahensyang pang-empleyo, ikaw ay dapat:

  • tiyakin na ang ahensya ay may wastong lisensya na inisyu ng Kagawaran ng Paggawa;
  • bayaran lamang ang itinakdang komisyon pagkatapos mong matanggap ang iyong unang buwan na sahod, at siguraduhin na ang halaga ay hindi hihigit sa 10% ng iyong unang buwan na sahod;
  • humiling ng resibo para sa anumang pagbabayad na ginawa;
  • panatilihin ang orihinal na kopya ng iyong Pamantayang Kontrata ng Empleyo; at
  • panatilihin ang iyong mga pansariling dokumento ng pagkakakilanlan.

Ikaw ay hindi dapat:

  • bayaran ang ahensya ng anumang mga gastos o bayarin maliban sa itinakdang komisyon;
  • bayaran ang ahensya sa pamamagitan ng paghiram ng pera mula sa anumang kumpanya ng pautang kapag hiniling ng ahensya; at
  • lagdaan ang anumang dokumento, kasunduan o kontrata kung hindi nainintindihan ang mga tuntunin.

Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring sumangguni sa Portal para sa mga Ahensyang Pang-empleyo.

Sa pangkalahatan, ang mga FDHs na nagtatrabaho sa Hong Kong ay inaasahan na kumpletuhin ang kanilang dalawang-taong kontrata ng empleyo. Ang isang FDH na nais mag-aplay na magpalit ng tagapag-empleyo ay kinakailangan munang bumalik sa kanyang tahanangbansa at magpasa ng isang bagong aplikasyon sa bisa upang magtrabaho sa Hong Kong sa Kagawaran ng Imigrasyon. Sa mga pambihirang pangyayari, kapag ang orihinal na tagapag-empleyo ay hindi makapagpatuloy sa kontrata sa kadahilanan ng panlabas na paglipat, pangngingibang bansa, pagkamatay o mga pang-pinansyal na kadahilanan, o kung mayroon ebidensya na nagpapakita na ang FDH ay sumailalim sa pang-aabuso o pagsasamantala, siya ay maaaring mag-aplay na magpalit ng tagapag-empleyo sa Hong Kong ng hindi muna bumalik sa kanyang tahanangbansa. Kung ang isang FDH ay pinaghihinalaan na umabuso ng pagsasaayos sa pagpapaaga ng pagwakas ng kontrata ng empleyo upang magpalit ng tagapag-empleyo, ang kanyang aplikasyon sa bisa upang magtrabaho sa Hong Kong ay maaaring tanggihan. Ang mga kaugnay na talaan ay isinasaalang-alang din ng Pamahalaan sa pagkonsidara ng kanyang hinaharap na mga aplikasyon sa bisa.

Sa pangkalahatan, kinakailangan mong lisanin ang Hong Kong sa pagtatapos ng iyong kontrata o sa loob ng 2 linggo mula sa petsa ng pagwawakas ng iyong kontrata, alinman ang mauna. Kung ang isang FDH ay hindi lilisanin ang Hong Kong sa pagtatapos ng kanilang pananatili, siya ay magkakaroon ng paglabag dahil sa hindi pagsunod sa mga kondisyon ng pananatili at maaaring masampahan ng kaso. Kapag napatunayang nagkasala, siya ay papatawan ng pinakamataas na multa na $50,000 at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon. Siya rin ay maaaring paalisin mula sa Hong Kong pagkatapos ng sentensya, at hindi na papayagang magtrabaho muli bilang isang FDH sa Hong Kong. Kung mayroon kang anumang mga katanungan tungkol sa iyong mga kondisyon ng pananatili, mangyaring makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Pandarayuhan (Numero: 2824 6111; Email:enquiry@immd.gov.hk).

Para sa mga Tagapag-empleyo

Oo. Ang mga tagapag-empleyo ay kinakailangang kumuha ng insurans sa bayad-pinsala para sa mga empleyado para sa kanilang mga FDHs upang masakop ang kanilang pananagutan sa ilalim ng batas (kabilang ang karaniwang batas). Ang isang tagapag-empleyo na nabigong makakuha ng isang insurans ay mananagot sa pag-uusig at, kapag nahatulan, sa pinaka-mataas na multa na $100,000 at pagkakulong ng dalawang taon.

Bilang karagdagan, ang Sugnay 9(a) ng Pamantayang Kontrata ng Empleyo ay nagsasabing na ang mga tagapag-empleyo ay dapat magbigay ng libreng medikal na pagpapagamot sa mga FDH sa panahon ng trabaho nila sa Hong Kong, kabilang ang medikal na konsultasyon, pagpapanatili sa ospital at emerhensyang pagpapagamot ng ngipin. Upang mapamahalaan ang mga hindi inaasahang gastos na nagmumula sa bawat kaganapan ng pagkapinsala o pagkasait ng kanilang mga FDHs, ang mga tagapag-empleyo ay hinihikayat na kumuha ng komprehensibong insurans para sa kanilang mga FDHs na sumasaklaw sa parehong medikal na insurans at insurans sa bayad-pinsala para sa mga empleyado. Ang iba't ibang komprehensibong produkto ng insurans na idinisenyo para sa mga FDHs ay makukuha sa merkado ng insurans. Maaaring pumili ang mga tagapag-empleyo sa mga plano ng insurans na tumutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Maaari kang magbayad ng sahod sa pamamagitan ng tseke o awtomatikong paglipat, o sa pamamagitan ng pera kapag hiniling ng FDH. Dapat kang magbigay ng resibo para sa pagbabayad ng sahod at malinaw na ipaliwanag sa iyong FDH ang pagkalkula ng sahod. Dapat mo rin hilingin sa iyong FDH na lumagda upang kilalanin ang pinagkasunduang halaga ng pagbabayad, at panatilihing maayos ang resibo.

Ang ilang sa mga tagapag-empleyo ay maaaring magkabit ng isang sistemang CCTV na may bidyong pagmamatyag sa bahay sa pagsasaalang-alang sa kaligtasan ng tahanan at ang pangangailangang pangalagaan ang mga miyembro ng pamilya. Kung magpasya kang magkabit ng isang sistemang CCTV na may bidyong pagmamatyag, dapat mong malinaw na ipaalam sa iyong FDH ang tungkol sa pagkabit nito bago isagawa ang unang aktibidad ng pagsubaybay. Mahalagang tandaan na ang sistemang CCTV na may bidyong pagmamatyag ay hindi maaaring kumuha ng mga larawan na nagpapakita sa mga aktibidad sa loob ng mga banyo, mga paliguan at pribadong lugar kung saan nagpapahinga ang iyong FDH pagkatapos ng trabaho.

Ang mga tagapag-empleyo ay dapat sumangguni sa mga alituntunin na ibinigay ng Komisyoner ng Pagkapribado para sa Pansariling Datos sa pagkabit at paggamit ng sistemang CCTV na may bidyong pagmamatyag sa tahanan: “Pagsubaybay at Pansariling Datos sa Pagkapribado sa Trabaho: Mga Dapat Tandaan para sa Mga Tagapag-empleyo ng Dayuhang Kasambahay”. Kung ang naturang pagsubaybay ay isinasagawa nang hindi nalalaman ng FDH , ang tagapag-empleyo ay maaaring lumalabag sa mga probisyon ng Ordinansa sa Pansariling Datos (Pagkapribado).

Kasama sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo ang isang sugnay sa paglilinis ng mga panlabas na bintana upang pangalagaan ang kaligtasan sa trabaho ng mga FDHs. Ang sugnay ay nagsasabi na, kapag ang isang FDH ay kinakailangan ng kanyang tagapag-empleyo na maglinis ng anumang panlabas na bintana na hindi matatagpuan sa palapag na kasing lebel ng lupa o katabi ng isang balkonahe (kung saan ito ay makatwirang ligtas para magtrabaho ang FDH) o pangkaraniwang pasilyo, ang paglilinis ay dapat lamang gawin sa mga sumusunod na mga kondisyon:

  • ang bintana na nililinis ay nilagyan ng isang rehas na nakakandado o ligtas sa isang paraan para mabuksan ang rehas; at
  • walang bahagi ng katawan ay umaabot sa lampas ng pasimano ng bintana maliban sa mga braso.

Upang mapahusay ang mga kakayahan ng mga FDHS sa pag-aalaga ng mga matatanda na may kahinaan ang kalusugan, ang Kagawaran ng Kapakanang Panlipunan (SWD) ay inilunsad Ang Pangunang panukala sa pagsasanay ng mga FDHs sa pag-aalaga ng mga matatanda mula noon 2018, kung saan ito ay nakipagtulungan sa mga Sentro ng Komunidad para sa mga matatanda sa Distrito ng mga organisasyong di-pampamahalaan na magbigay ng libreng klase sa pagsasanay ng mga FDHs sa lahat ng 18 distrito sa Hong Kong. Bukod pa, ang SWD ay inilunsad din ang Pangunang panukala sa pagsasanay ng mga FDHs sa pag-aalaga ng mga taong may kapansanan noong Oktubre 2023, kung saan ang mga Sentro ng Suporta ng Distrito para sa mga taong may kapansanan ay inatasan na magbigay ng libreng pagsasanay sa mga FDHs, na may layuning mapahusay ang mga kasanayan at kaalaman ng mga FDHs sa pag-aalaga ng mga taong may kapansanan. Ang mga interesadong tagapag-empleyo at mga FDHs ay maaaring makipag-ugnayan sa kalahok na Sentro ng Komunidad para sa mga matatanda sa Distrito at Sentro ng Suporta ng Distrito para sa mga taong may kapansanan ng direkta upang magtanong tungkol sa eskedyul ng klase at magpalista.

Ayon sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo, ang mga tungkulin pantahanan na ginagawa ng isang FDH ay hindi kasama ang pagmamaneho. At saka, ang bisa sa pagtatrabaho na ipinagkaloob sa isang FDH ay may kundisyon ng pananatili na nagbabawal sa kanila na magsagawa ng mga tungkulin sa pagmamaneho. Kapag ang tagapag-empleyo ay may pangangailangan sa kanilang FDH na magsagawa ng mga tungkulin sa pagmamaneho dahil sa at nagmumula sa pagganap ng mga tungkulin pantahanan. Siya ay kailangan mag-aplay ng espesyal na pahintulot mula sa Kalihim ng Imigrasyon.

Para sa mga katanungan sa pag-aplay ng espesyal na pahintulot, mangyaring makipag-ugnayan sa Kagawaran ng Imigrasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa numerong 2824 6111 o magpadala ng isang email sa enquiry@immd.gov.hk.

Ipinagbabawal ng Ordinansa ng Empleyo ang mga tagapag-empleyo sa pagbabayad sa mga empleyado bilang kapalit ng pagbibigay ng mga pista opisyal (halimbawa, ang tinatawag na “pagbili ng mga bakasyon”). Kapag kinakailangan ng isang tagapag-empleyo ang kanyang FDH na magtrabaho sa isang pista opisyal, dapat siyang magbigay sa FDH ng hindi bababa sa 48 oras na paunang abiso at magtalaga ng isang alternatibong bakasyon para sa FDH sa loob ng 60 araw bago o pagkatapos ng pista opisyal. Samakatuwid, ang isang tagapag-empleyo ay kailangan magtalaga ng 3 araw na mga alternatibong bakasyon nang magkasunod o magkahiwalay para sa kanyang FDH na nagtrabaho ng 3 araw na pista opisyal sa panahon ng Lunar na Bagong Tanong.

iklick dito upang malaman ng higit pa ang tungkol sa mga pista opisyal.

Ang Kagawaran ng Paggawa ay palagin pinaalalahanan ang mga FDHs sa pamamagitan ng iba't ibang mga paraan na pangasiwaan ang kanilang mga pananalapi sa maingat na paraan at iwasan ang paghiram ng pera. Bilang isang tagapag-empleyo, maaari mong tulungan ang iyong FDH sa pamamahala ng kanyang pananalapi sa mga sumusunod na paraan:

  • hikayatin ang iyong FDH na bumuo ng isang gawi sa pag-iimpok at pamahalaan ang kanyang pananalapi upang maiwasan ang labis na pag-utang. Halimbawa, maaari mong hikayatin ang iyong FDH na magdeposito ng bahagi ng kanyang sahod sa bangko bawat buwan;
  • gumawa ng inisyatiba upang maunawaan ang sitwasyon sa pananalapi ng iyong FDH sa paraang hindi mapanghusga kung ang iyong FDH ay handang ibunyag ito, tulad ng kung magkano ang kanyang ipinapadala sa pamilya bawat buwan, mayroon ba siyang ugali sa pag-iipon, siya ba ay lumagda sa anumang kasunduan sa pautang, at iba pa. Maaaring ito ay isang angkop na oras upang kaswal na pag-usapan ang paksa sa iyong FDH kapag nagbabayad sa kanya ng sahod; at
  • Kapag ang iyong FDH ay nagpahayag ng kagustuhan sa pagkuha ng pautang, kausapin mo siya nang tapat at matiyaga upang pag-usapan ang dahilan ng paghiram, ang halaga ng interes, pati na rin ang kanyang kakayahan sa pagbayad, at iba pa. Ang mga sumusunod ay ilang sa pangkalahatan puntos na dapat tandaan kapag kukuha ng pautang:
    • tuklasin ng maingat ang mga kalamangan at kahinaan ng pag-utang, at isaalang-alang ang mga alternatibo sa paghiram sa mga pampinansyal na institusyon;
    • makipag-ugnayan lamang sa isang lisensyadong nagpapahiram at pumirma ng isang kasunduan sa pautang na lubos niyang nauunawaan at sinasang-ayunan; at
    • bigyang-pansin ang mga kinakailangan ng Ordinansa ng Mga Nagpapahiram ng Pera upang protektahan ang kanyang mga karapatan.

Para sa pautang mula sa isang FDH na umalis na sa trabaho, maaari mong ipaalam sa pampinansyal na institusyon ang tungkol sa pagwawakas ng empleyo ng FDH. Kung ang pampinansyal na institusyon ay nagdudulot ng istorbo sa iyong pamilya, maaari mo itong iulat sa Kapulisya para sa tulong.

Ayon sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo, dapat mong ibigay sa iyong FDH ang libreng pamasahe pabalik sa kanyang tahanangbansa kapag nakumpleto o nagwakas ang kontrata. Ikaw ay pinapayuhan na magbigay ng tiket sa eroplano kabilang ang pangunahing naka tsek-in na bagahe sa iyong FDH sa halip na magbigay ng pera na katumbas ng halaga ng tiket sa eroplano. Ito ay para mabawasan ang pagkakataong na mag-oberstay ang FDH sa Hong Kong pagkatapos matanggap ang pera, o umalis lamang patungo sa mga kalapit na lugar sa halip na bumalik sa kanyang tahanangbansa.

Bukod pa, upang matiyak na ang parehong partido ay may sapat at makatwirang oras upang pangasiwaan ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkumpleto o pagwakas ng kontrata, ikaw ay pinapayuhan kang kumpirmahin ang mga pagsasayos ng pag-alis ng iyong FDH (tulad ng petsa ng pag-alis, destinasyon, at iba pa) bago bumili ng tiket sa eroplano.

Kapag hindi mo mahanap ang kinaroroonan ng iyong FDH , dapat mong isaalang-alang ang pag-uulat ng kaso sa Kapulisya at abisuhan ang kanyang kaukulang konsulado sa Hong Kong at/o ang kinauukulang ahensyang pang-empleyo. Kung ang iyong FDH ay umalis sa trabaho nang walang abiso o pagbabayad bilang kapalit ng paunawa, dapat mong ipaalam sa Kagawaran ng Imigrasyon (Numero sa Pagtanong: 2824 6111; Email:enquiry@immd.gov.hk) na ang kontrata ng emppleyo ay winakasan ng FDH sa kanyang sariling pagpasya.