Panulukan ng mga Dayuhang Kasambahay Panulukan ng mga Dayuhang Kasambahay

Mensahe ng maligayang pagdating

Ang portal na ito ay nagbibigay ng impormasyong may kaugnayan sa pag-empleyo ng mga dayuhang kasambahay (FDHs) sa Hong Kong, kasama ang patakaran sa pag-angkat ng mga FDHs, paglathala at mga materyal sa pamamahayag hinggil sa mga karapatan at katungkulan ng mga FDHs at kanilang mga amo sa ilalim ng mga batas ng paggawa at ang Pamantayang Kontrata ng Empleyo para sa pagtanggap sa trabaho ng mga FDHs. Kapwa ang mga FDHs at kanilang mga amo ay hinihimok na basahin ang impormasyon sa website na ito pati na ang mga nararapat na lathalain bago pumasok sa isang kontrata, o sa panahon ng pagdaan ng empleyo.

Bagamat hindi kinakailangan ng Pamahalaan ng Espesyal na Administratibong Rehiyon ng Hong Kong na ang mga amo ay dapat na kumuha ng mga FDHs sa pamamagitan ng, o mga FDHs upang kumuha ng empleyo mula sa, mga ahensya ng empleyo (EAs), karaniwan itong pamamaraan kung saan ang mga tao ng Hong Kong ay nag-eempleyo ng mga FDHs. Ang mga kanya-kanyang tahanangbansa ng mga FDHs ay maaari ring may ganoong pangangailangan at sila ay nagbabago sa lahat ng mga bansa. Ang mga FDHs at mga amo ay hinihimok din na basahin ang seksyon ng “Pakikipag-ugnayan sa isang ahensya ng empleyo” para sa mga punto na dapat tandaan kapag gumagamit ng serbisyo ng mga EAs, at upang gamitin ang makina ng paghahanap para sa pagkilala sa (mga) EA na may bisang lisensya sa Hong Kong.

Para sa mga usaping may kaugnayan sa pamantayan ng pagiging kuwalipikado at mga pamamaraan para sa pag-aplay para sa empleyo ng mga FDHs, mangyaring bisitahin ang website ng Kagawaran ng Imigrasyon.

Ano’ng Balita
    


IMPORTANT MESSAGES

Pagtaas sa Pinakamababang Pinapayagan Sahod at alawans sa pagkain para sa mga Dayuhang Kasambahay (Increase in Minimum Allowable Wage and food allowance for foreign domestic helpers)

Ang Pamahalaan ay nag-anunsyo ngayon araw (ika-29 ng Setyembre) na ang Pinakamababang Pinapayagan Sahod (MAW) para sa mga Dayuhang Kasambahay (FDHs) sa Hong Kong ay itataas ng 3 na porsyento, mula $4,730 hangang $4,870 kada buwan.

Mangyaring i-clik dito para sa mga detalye.

Ang Kagawaran ng Paggawa ay lubos na nag-aalala tungkol sa kaligtasan ng mga Dayuhang Kasambahay sa paglilinis ng mga panlabas na bintana 

Ang Kagawaran ng Paggawa (LD) ay lubos na nag-aalala tungkol sa nakasawing aksidente na nangyari kamakailan noong ang isang dayuhang kasambahay (FDH) ay naglilinis ng isang panlabas na bintana. Ang LD ay nagpapaalala sa mga tagapag-empleyo na ang dalawang sumusunod na kondisyon ay kinakailangan matupad bago ang pag-utos sa isang FDH na maglinis ng anumang panlabas na bintana na hindi matatagpuan sa unang palapag o katabi ng isang balkonahe (kung saan ito ay makatwirang ligtas para magtrabaho ang kasambahay) o pangkaraniwang pasilyo:

1. Ang bintana na nililinis ay nilagyan ng isang rehas na nakakandado o ligtas sa isang paraan para mabuksan ang rehas; at

2. Walang bahagi ng katawan ng FDH na umaabot sa lampas ng pasimano ng bintana maliban sa mga braso.

Ang pangangailangan na nakasalaysay sa itaas ay malinaw na nakasaad sa Pamantayang Kontrata ng Empleyo para sa mga FDHs na dapat sundin ng mga tagapag-empleyo at mga FDHs. Kapag ang tagapag-empleyo ay nag-utos sa FDH na maglinis ng mga panlabas na bintana na lumalabag sa kontrata, ang FDH ay dapat tanggihan ang ganyang kahilingan. Ang mga FDHs ay maaaring humingi ng tulong sa LD sa pamamagitan ng dedikadong numero para sa mga FDH sa 2157 9537.

Ang LD ay umapela sa miyembro ng publiko na nakasaksi ng FDH na gumaganap ng mga tungkulin sa isang hindi ligtas na sitwasyon (halimbawa: nagtatrabaho o nakatayo sa kataasan na walang ligtas na suporta) o nasa harap ng agarang panganib na iulat ang pangyayari kaagad sa Kapulisya.

Pagtaas ng Statutory Holidays

Simula sa 2022 , ang Kaarawan ng Buddha ay isang bagong idinagdag na statutory holiday sa ilalim ng Employment Ordinance. Para sa mga detalye, pakibisita ang: https://www.labour.gov.hk/eng/news/EAO2021.htm